Advertisers

Advertisers

KONSEHAL NA PUMATAY SA VICE MAYOR SA AKLAN KINASUHAN NG MURDER

0 23

Advertisers

NASAMPAHAN na ng kasong ‘murder’ si Sangguniang Bayan (SB) Mihrel Senatin sa pamamaril kay Ibajay Vice Mayor Julio Estolloso noong Biyernes.

Sa inisyal na report ng Ibajay Municipal Police Station at ng Police Regional Office 6, mayroong ‘license to own a firearm’ ang konsehal dahilan para magkaroon ito ng 9mm na baril.

Agad naman na naresto ang konsehal sa loob ng kaniyang tahanan at kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya.



Kasunod nito, itinanggi ng Sangguniang Bayan sa isang pahayag na iba ang pagtrato ng biktima kay Se-natin at nilinaw na normal ang pagkakaroon ng debate sa loob ng konseho nguni’t kai-lanman hindi ito naging personal.

Dahil sa insidente, ang ‘entry’ at ‘exit’ sa Ibajay Municipal Office ay magiging iisa na lamang at nagpapatupad narin ng mahigpit na inspek-syon sa kagamitan ng sinumang papasok sa opisina.



Samantala, maliban sa mas pinaigting na seguridad sa buong munisipalidad, magsasagawa rin ng assessment ang mga doktor sa lalawigan upang matiyak na nasa maayos na estado ang kanilang mga empleyado.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">