Advertisers

Advertisers

P15 minimum pasahe sa jeepney inihirit ng transport groups

0 7

Advertisers

PINAG-ISA na lamang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang lahat ng mga petisyon para sa taas-pasahe sa traditional jeepneys.

Hiniling ng mga grupong Pasang Masda, Altodap at ACTO na itaas sa P15 ang minimum fare sa traditional jeepneys mula sa kasalukuyang P13.

Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, nakapaloob sa petisyon na gawing permanente ang idineklarang P1 provisional fare hike na ipinatupad simula noong Oktubre 2023.



Bukod dito, nais ng transport groups na magpatupad ng P2 provisional fare hike.

Ani Guadiz, isa lamang ito sa mga pag-uusapan na petisyon para sa taas-pasahe sa mga pampublikong sasakyan kasama na ang karagdagang pasahe sa modern jeepneys.



Pangunahing dahilan sa mga petisyon ang mataas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay Guadiz, kailangan na pag-aralan mabuti ang mga petisyon para mabalanse ang interes ng mga pasahero at ang mga nabubuhay sa sektor ng pampublikong transportasyon.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">