Advertisers

Advertisers

SP Chiz itinangging tinulungan ang kaibigang contractor para makorner ang flood control projects ng gobyerno

0 18

Advertisers

PINABULAANAN ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na may kinalaman siya sa anumang flood control projects sa kanyang sariling lalawigan ng Sorsogon at iba pang bahagi ng bansa.

Sa press conference, sinabi ni Escudero na si Lawrence Lubiano, presidente ng Centerways Construction and Development Inc., ang kanyang campaign contributor sa 2022 elections.

Ang Centerways Construction and Development ay isa sa mga kontratista na nakakuha ng P545-bilyong mga kontrata sa flood control project tulad nang isiniwalat ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.



“For the record, wala akong kinalaman sa pag-identify, paggawa ng program of work, pag-bid, pag-award, pagbayad, pag-inspeksyon ng anumang proyekto sa pamahalaan sa Sorsogon man o sa labas ng lalawigan ng Sorsogon,” paliwang ni Escudero.

Una rito, ibinunyag ni Marcos na 20% ng kabuuang P545 bilyon na budget sa flood control pro-jects ang iginawad sa 15 contractor lamang kung saa lima sa 15 kontratang ito, sabi ng Pangulo, ay may mga proyekto sa halos lahat ng rehiyon sa buong bansa.



Isa sa mga nabanggit na contractor ay ang Centerways Construction and Development, na sinabi ni Escudero na nakakuha ng P5.4 bilyon sa flood control projects sa Bicol Region at Central Visayas. Aniya, ang halagang ito ay nasa 0.998% ng kabuuang mga kontratang ibinunyag ni Marcos.

Iginiit ni Escudero na kaibigan niya si Lubiano ay taga-Sorsogon din, ngunit itinanggi niyang may kaugnayan siya sa mga negosyo ng contractor.



Binigyang-diin din niya na karamihan sa mga kontrata ng Centerways ay nakuha bago siya muling naging senador. Bago naging senador, si Escudero ay nagsilbi bilang gobernador ng Sorsogon mula 2019 hanggang 2022.

“Wala at hindi ko alam nga kung ano man ‘yun dahil hindi ako bahagi ng kanyang kumpanya at wala akong pakialam sa kanyang negosyo,” wika ni Escudero nang tanungin kung nakatulong ba siya kay Lubiano nang bumalik siya sa Senado noong 2022.

Kinuwestiyon din ni Escudero ang malisyosong paglabas ng ulat na nag-uugnay sa kanya kay Lubiano.

Iginiit ng Senate President na ito aybahagi ng tinatawag niyang “demolition job” na mga pabor sa impeachment kay Vice President Sara Duterte, partikular na mula sa House of Representatives.

“Hindi principally kasamahan namin dito sa Senado. Sa pagkakaalam namin sa labas pero hindi ko alam kung may tumutulong, ka-kuntsaba, o kakumplot pero taga-labas,” wika ni Escudero.

“Obvious naman siguro ‘yun kung sino ang may pinaka-gusto ng impeachment,” hirit ng Senate President. (Mylene Alfonso)