Advertisers

Advertisers

P6.793-Trillion 2026 National Expenditure Program

0 15

Advertisers

Pormal nang natanggap ng Senado ang kopya ng 2026 national expenditure program na nagkakahalaga ng P6.793 trillion.



Pinangunahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pagsusumite ng mga dokumento ng NEP na tinanggap ni Senate President Francis Escudero at ni Senador Sherwin Gatchalian bilang chairman ng Senate Committee on Finance. Majority Leader Joel Villanueva at Senator Alan Cayetano Ang Serrmonyal Turnover sa Senado

Ayon sa Department of Budget and Management (DBM), ang pinakamalaking bahagi ng panukalang pondo ay ilalaan sa sektor ng edukasyon na nagkakahalaga ng P1.224 trilyon, kasunod ang imprastruktura na may P881.3 bilyon, at sa sektor ng kalusugan na nagkakahalaga ng P320.5 bilyon.



Alinsunod ito sa naunang pahayag ni Gatchalian na bibigyang prayoridad ng 2026 budget ang sektor ng edukasyon, kaya tatawagin itong “education budget. (CESAR MORALES)