Advertisers
Pinangunahan ni Senate Committee on Migrant Workers Chair Sen. Raffy Tulfo ang pagdinig sa mga isyung kinakaharap ng ating mga kababayang OFW na inaabuso at hindi nabibigyan ng patas na hustisya.
Sa nasabing hearing, mahigpit na pinaalalahanan ni Sen. Raffy ang DMW at OWWA na maglatag ng mas epektibong sistema ng constant strict monitoring para sa mga OFWs abroad upang lubusang matutukan kung nasusunod ba ang mga nakapaloob sa kanilang kontrata.
Tinalakay din ni Sen. Tulfo ang pag-apela sa gobyerno ng US na matanggal ang bad records ng mga ipinadeport nilang Pinoy seafarers lalo pa’t ayon sa mga salaysay ng biktima, walang due process ang naganap sa kanilang pagkakaaresto at pagkakadetine at tila “selective at discriminatory” sa mga Pinoy. (CESAR MORALES)

