Advertisers

Advertisers

Eala talsik sa US Open

0 47

Advertisers

TINAPOS ni Filipina tennis ace Alexandra Eala ang kanyang kampanya sa US Open sa pamamagitan ng 4-6, 3-6 loss sa Spanish Cristina Bucsa sa second round Huwebes ng umaga (Manila time) sa USTA Billie Jean King National Tennis Center sa Queens, New York.

Eala, ranked 75th sa mundo, nakaligtas sa world No,14 Carla Tauson ng Denmark, 6-3, 2-6, 7-6 (13-11), sa first round Agosto 25.

Samantala, si Bucsa pumalo ng 25 winners at nag served ng three aces para gibain si Eala sa isang oras at 22 minuto.

Ang world No.95 Bucsa ay nagwagi 65 percent sa first served at 28 percent sa second served points.

Makakaharap niya ngayon ang mananalo sa pagitan ng No.19 seed Elise Mertens ng Belgium at Lulu Sun ng New Zealand sa third round.

Ang 6-3, 2-6, 7-6 (13-11) panalo ni Eala laban sa world No.14 Carla Tauson ng Denmark nakaraang Martes na nagtatag sa kanyan bilang unang Filipino na umabante sa second round ng Grand Slam tournament.

Sa Miami Open nakaraang Marso, dinaig ni Eala ang Grand Slam champions – Latvian Jelena Ostapenko, American Madison Keys, at Polish Iga Swiatek para makarating sa semifinal round, sa huli natalo siya sa American Jessica Pegula, 6-7 (3), 7-5, 3-6.

Eala, graduate ng Rafael Nadal Academy, nagwagi sa US Open junior girls’ singles title sa 2022.