Advertisers
Pinangunahan ni Chinita Princess Kim Chiu ang pagbibigay ng tulong sa mga kapwa niya Cebuano na naapektuhan ng magnitude 6.9 lindol.
Batay sa mga naglabasang larawan, personal pang namili si Kim ng mga materyales na ipamimigay sa mga nasalanta ng lindol sa Bogo City at San Remigio.
Dalawang trak ng mga construction materials ang ipinahahatid ni Kim sa mga biktima.
“In the midst of her taping in Cebu, Kim Chiu took time to personally buy materials for those affected by the recent earthquake in Bogo City and San Remigio,” ayon sa Facebook post ng ASAP Official.
Proud naman ang mga loyal faney ni Kim sa kabutihang ipinamalas ng kanilang idol.
“Matulungin tlga yan miski grabe Ang bashing sa kanya.”
“Kaya marami nagmahal Kay Kimmy dahil may mabuting puso siya. Kaya kaming manga supporters niya Hindi talaga magsawa sumoporta sa kanya.”
“mahal ka namin Kimmy! true Cebuana heart ”
“Nakaka proud talaga Ang Isang Kim Chiu super mabait Siya,God bless you more and more Kimmy love you ”