Pareho Kasing Mga Effective Endorser Ng Chef Ayb’s Paragis! Another Year For Alex Gonzaga, Daddy Bonoy, At Momny Pinty; Borj Papin, Suportado Nina Imelda At Aileen Papin
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Hindi sa pagbubuhat ng bangko nila Mommy Pinty and Daddy Bonoy at daughter nila na si Alex Gonzaga. Since maging brand ambassadors o endorsers ang tatlo ng CHEF AYB’s PARAGIS. Tumaas at domoble ng ilang beses, ang sales ng mga produkto tulad ng PARAGIS With MORINGA And GUYABANO TEA, PARAGIS HERBAL TEA and Capsules na nakakatulong sa iba’t-ibang sakit at Anti-Oxidant.
In all fairness, hindi lang dito sa buong Pilipinas very indemand ang Chef Ayb’s Paragis kundi grabe rin ang lakas ng benta nito sa abroad dahil sa rami ng mga nagpa-patronize ng naturang mga mabibisang produkto lalo na sa kalusugan. And infairness to Alex and her Parents Mommy Pinty and Daddy Bonoy. Ay araw-araw silang umiinom ng Herbal Tea at Capsules ng ine-endorso nilang Chef Ayb’s Paragis At ang laki ng mga improvement ng kanilang mga health.
And because very-very effective ngang endorsers sina Alex G, Daddy Bonoy, at Mommy Pinty ng said products. Ay another year para sa tatlo at isa sa mga araw, na ito ay nakatakda silang mag-renew ng contact sa CHEF AYB’S PARAGIS. At gaganapin ito sa isang sosyal na venue sa Makati, City. Congratulations and Good luck di ba? Kapatid na JC Baguio na trusted friend and Confidant ni Youtube Superstar Alex Gonzaga.
***
Tulad ng kanyang mga famous Tita na si Imelda Papin na PCSO Board of Director Head. Na magkakaroon ng big celebration for her 50 Years in the showbizness, ay nasa Entertainment Industry na rin ang cute na singer performer na si Borj Papin. Suportado rin si Borj ng isa pang Titang si Aileen Papin na Recording Artist at Special Assistant Officer ng sister na si Imelda sa Philippine Charity Sweeptakes Office. Very close si Borj kay Aileen at siyempre nakakakuha siya ng ilang tips mula rito na magagamit niya bilang entertainer. In all fairness to Borj, first time ko siyang mapanood mag-perform sa Birthday Concert sa cousin si Maffi Papin na held at Resorts World Grand Lounge last August 16. Napa-wow talaga ako, at minamani lang ni Borj ang pagkanta ng Maybe This Time at iba pang matataas na birit na kanta. Yes, very powerful ang voice nito. And very proud sa singer his Dad Direk Bobby Papin(brother of Imelda and Aileen) na madalas mag-direk ng mga Concert ni Imelda, Maffi, Aileen at Gloria Papin sa iba’t-ibang lugar na madalas ay kasama sa show si Borj.
At bilang talent ng Viva Artists Agency(VAA) ay nakapag-perform na sa iba’t-ibang events gaya ng concert at guesting sa Beauty Pageants. Well, nakikita kong malayo pa ang mararating ng showbiz career ni Borj Papin.
Kay Ms. Aileen naman. Patuloy ang pamamahagi nila ng kanyang Ate Imelda at mga co-Board of Directors nito sa PCSO ng maraming Ayudang “CHARITIMBA” sa mga Barangay na apektado ng sunod-sunod na bagyo sa bansa. At syempre bukas rin ang upisina ni Manay Imelda, para sa Medical and Educational Assistance.