Advertisers

Advertisers

SINGER/ACTRESS REGINE VELASQUEZ UMUUSOK SA NGITNGIT VS KORAPSYON!

“40% tax binabayaran walang napapakinabangan”

0 13

Advertisers

WALANG prenong nagpatutsada si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa aniya’y pagpapahirap sa mga Pilipino, sa kabila ng buwis na binabayaran ng mga ito na napupunta lamang umano sa korapsyon.

Ibinahagi ni Regine sa kaniyang Instagram post nitong Lunes, Oktubre 13, na noong bata pa siya, akala niya mahirap ang bansa, nguni’t kabaligtaran pala ito nang kaniyang nakita.

“Nung bata ako ang akala ko mahirap ang Pilipinas, hindi rin nakatulong na pinanganak akong mahirap.



Pero ngayon napagtantutantu ko hindi tayo mahirap!! Pinahihirapan tayo!!!,” ani Regine.

“Ako po ay isang singer lamang na nagsumikap para maiahon ang aking pamilya sa hirap. Sa tulong ng ating Panginoon, natulungan ko ang aking pamilya. Hangang ngayon ako ay nagtatrabaho ng marangal, nagbabayad ng wastong buwis,” dagdag pa niya.

Isiniwalat din niya na halos kalahati ng kaniyang pinaghihirapan ay ibinabayad niya bilang buwis, ngunit wala naman daw siyang natatanggap na kahit anong benepisyo.

“Ang aking income tax nasa 32% plus. Meron po akong vat na 12%. 32+12=44% po ng pinaghirapan ko napupunta sa gobyerno pero wala akong nakukuha kahit anong benipisyo,” aniya.



“Hindi po ba dapat ipaglaban nating lahat na meron tayong proper health care?? Hindi ba dapat ipaglaban nating lahat na mabigyan ng magandang edukasyon ating mga anak? Matitinong infrastructure kasama pa dito ang ating siguridad. Bakit ako nagbabayad ng tax na halos 50% ng pinaghirapan ko tapos wala akong napakikinabangan sa ibinabayad ko??!!”, giit ng singer/actress.

Isiniwalat din ng Asia’s Songbird na sa kaniyang palagay, hinahayaan nalang ng gobyerno na isipin ng mga Pilipino na mahirap ang Pilipinas, upang hindi ito magreklamo sa kung ano man ang matanggap na tulong mula sa pamahalaan.

“Sa ibang bansa, ‘pag ganito kalaki ang tax… may pension kang matatangap ‘pag nag-retire ka, dito nganga. Hindi mahirap ang Pilipinas, sa aking palagay hinayaan nilang isipin nating mahirap ang bansa natin para hindi tayo magreklamo at para umasa nalang tayo sa mga barya barya nilang binibigay,” anang singer/actress.

“Pag nagbibigay sila ng ayuda kailangan nila ipamukha sa inyo na galing sa sarili nilang bulsa ang natatanggap n’yo, nakapaskil pa mga mukha nila sa isang salop na bigas, na para bang galing sa pinaghirapan nila ang ipinamimigay nila (palakpakan). I’m ranting again I know pero ang laki ng utang ng gobyerno sa mga Pilipino. Hindi tayo mahirap pinahihirapan tayo!!!!!”, ngitngit ni Regine.

Ang mga hinaing na ito ni Regine ay mababasa sa kaniyang Instagram post, kalakip ang isang TikTok video na nagsasabing ang Pilipinas ay mayroong mga kagubatan, sakahan, mga bundok, at karagatan, na wala ang iba, ngunit ang bansa ay patuloy aniyang naghihirap dahil sa korapsyon.

Matatandaang nagpasaring din si Regine kamakailan hinggil sa dahilan kung bakit hindi matapos-tapos ang korapsyon sa bansa.

“Hay hindi ko mapigilan ang sarili ko nagagalit talaga ako […] Alam n’yo kung bakit hindi natatapos ang kurapsyon? Kasi walang consequences. Justice is selective,” paglalahad ng singer/actress.