Advertisers

Advertisers

Bea Binene at Wilbert Ross ‘di pilit ang kilig

0 13

Advertisers

BIBIDA sa ‘Golden Scenery of Tomorrow’ na showing na simula sa Oktubre 18 si Bea Binene katambal si Wilbert Ross bilang sina Avianna “Via” Diaz at Larkin “Arkin” Sanchez—magkaibigang lumaki nang magkasama na haharap sa mga pagsubok ng pag-ibig, karera at personal na pag-unlad.

Ito ang ikalimang installment ng hit University Series ni Gwy Saludes.

Masasabing malayo ito sa tipikal na rom-com. Lumabas ang tunay na chemistry nina Bea at Wilbert- on-screen at off-screen.

“Masarap katrabaho si Wilbert kasi ramdam ko lagi ang malasakit niya. Lagi niyang tinitiyak na kumportable ako sa mga eksena, kaya nagiging natural ang bawat emosyon,” ani Bea sa interbyu sa kanya.

Reak naman ni Wilbert, “Si Bea, inspirasyon sa set. Kapag kasama mo siya, mapipilitan kang galingan. Hindi puwedeng half-baked.”

Ayon sa direktor na si Victor Villanueva, kitang-kita ang koneksyon ng dalawa: “Natural ang chemistry nila. Minsan, kailangan kong mag-pause ng ilang segundo matapos ang take, ang genuine kasi ng moment.”

Sa likod ng kilig, ang ‘Golden Scenery of Tomorrow’ ay kwento ng pag-ibig at ambisyon. Si Via, tahimik na architecture student na iniiwasan ang spotlight dahil sa nakaraan ng kanyang pamilya, at si Arkin, rising film student na biglang sumikat sa showbiz.

Magkabangga man ang mundo nila, pareho silang sinusubok ng tadhana kung hanggang saan nila kayang panindigan ang kanilang pangarap at relasyon.

“Ang pag-ibig, hindi kailangan na mabilisan. Kailangan talaga ng mahabang pasensya at pag-intindi,” aniya pa ng aktres. Samantala, ayon kay Wilbert, “Puwede namang sabay ang love at career pero sa ngayon, mas pinipili ko muna ang career ko, kasi ang tagal ko itong hinintay. Focus muna ako.”

Kasama rin sa cast ang Univerkada favorites na sina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Jerome Ponce, Gab Lagman, at marami pang iba.