Advertisers
Ni Beth Gelena
Nagsalita na si Bea Alonzo hinggil sa kumakalat niyang preggy picture.
Sa kanyang kaarawan nitong nakaraang October 17, nagbahagi ng pasasalamat ang aktres sa lahat ng mga bumati s kanyang kaarawan.
Makikita sa post ni Bea kung saan may hawak siyang cake na may nakasulat na “Happy Birthday.”
Ang caption, “Feeling so grateful for another year of laughter, growth, and the people who keep me grounded.”
Dinagdagan niya ito ng, “And for anyone curious about ‘the picture’ – just caught at a bad angle after an amazing dinner. Glowing, not expecting.”
Ito ay ang sagot ng aktres sa mga tanong hinggil sa siya umano’y buntis.
Simpleng paglilinaw na “bad angle” lang daw ito at hindi siya nagdadalantao, dahil dito natahimik na ang mga espekulasyon tungkol kay Bea.
Pinatunayan ni Bea na bukod sa pagiging mahusay na aktres, marunong din siyang harapin ang mga isyu sa kanya ng direkta.
O hayan nagsalita na ang aktres sa tunay niyang kalagayan.
***
GIO TIONGSON ANG TAMANG LALAKI KAY CRISTINE
Ayon daw kay Cristine Reyes, ang rumored boyfriend na si Gio Tingson ang right guy sa kanyang buhay.
Sa Showbiz Update, ang YouTube showbiz talk show talent manager-vlogger na si Ogie Diaz ay napag-usapan ang tungkol sa buhay pag-ibig ng aktres.
Aniya, naka-move on na raw si Cristine sa breakup nila ni Marco Gumabao at nakatagpo na ng bagong pag-ibig kay Tingson.
Ibinahagi rin niya na cute ang pagkikita nina Cristine at Gio kung saan nangangampanya raw ang aktres para kay Sen. Imee Marcos noong 2025 elections habang ang rumored boyfriend nito ay isa sa campaign strategists ni Sen. Bam Aquino.
“Magkaiba sila ng kampo, pero parehong nagwagi,” ani Ogie, dagdag pa niya na laging nagkikita rumored couple.
Sinabi rin niyang feeling niya naka-move on na si Cristine that time.
Natitiyak niyang matutuwa si Marco para sa ex girlfriend dahil pareho na silang naka-move on.
Kung maaalala, nagsimulang kumalat ang tsismis na hindi na magkasama Cristine at Marco bago ang 2025 elections dahil napansin ng netizens na in-unfollow nila ang isa’t isa sa Instagram, at hindi na rin sila nagpo-post ng kanilang recent photos na magkasama.
Sa gitna ng usap-usapan na breakup, nanatiling tahimik sina Cristine at Marco.
As of this writing, hindi pa nagsasalita ang aktres tungkol sa mga tsismis na nag-uugnay sa kanya at kay Gio Tingson.
***
POLITICAL SONG NI GLOC 9 NA “UPUAN” NAPAPANAHON PA RIN; HINDI KAILANGAN NG SEQUEL
Nag-explain si Gloc-9 kung bakit ayaw na niyang magsulat nang second part para sa kanta niyang “Upuan.”
May nag-request kasi sa rapper na muling sulatin ang “Upuan Part 2,” dahil napapanahon ito sa korapsyon at flood control scandals.
Ayon kay Gloc 9, attempting to write a sequel would compromise the sincerity and authenticity of the original 2009 song.
Na-inspire raw niyang sulatin ang Upuan dahil sa poverty.
Saksi raw siya nang makitang nagsa-suffer ang isang ina na may sakit at namatay at walang maipambayad sa hospital.
Nursing nursing student pa lang daw siya noon sa isang public hospital.
Year 2009 daw nangyari ang eksenang yun at agad na pumasok sa kanyang isipan na sulatin ang Upuan.
And this time ay naging national anthem na ang hit song niya na ginagamit pa sa mga rally sa recent anti-corruption and social accountability protests, lalo na sa current flood control scandals.
Despite sa public demand para isulat niya ang sequel to address today’s political landscape, the rapper has firmly refused to pen an “Upuan Part 2,” citing a concern for authenticity.
Esplika ni Gloc 9, “I think hindi siya fair sa unang song na ginawa ko.”
“Parang siyempre hindi mo na pwedeng ulitin ‘yung sincerity mo sa pagsulat non. ‘Pag inutusan ka na gawin yon ay parang iba na.”
“Nong sinulat ko ‘yung kanta na yon ako ay isang estudyante sa loob ng public hospital na nakakakita ng nanay na namamatayan ng anak dahil wala silang pambili ng gamot.”
This foundational experience of witnessing poverty’s brutal toll on ordinary Filipinos is the sincere wellspring he feels cannot be artificially replicated.