Advertisers

Advertisers

Vice natupad ang pangarap na makatrabaho si Michael V

0 12

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

Marami nang napatunayan si Vice Ganda bilang comedian, actor, TV host, singer at concert performer.

Katunayan, hindi na matatawaran ang pagiging consistent moneymaker ng kanyang mga pelikula sa box office kaya naman natawag siyang unkabogable superstar.

Pero, para kay Vice Ganda, kailangang lingunin niya kung saan siya nagsimula.

Espesyal sa kanya ang pagiging komedyante dahil sa pagpapatawa siya unang nabigyan ng big break sa showbiz.

Kaya naman nang malaman niyang makaka-collab niya ang idol niyang si Michael V, sobra ang kanyang naging kasiyahan.

For one, idolo niya si Bitoy pagdating sa comic flair at timing nito.

Hirit pa niya, sobrang bilib daw siya sa talent ng institusyon ng dalawang shows sa Kapuso network.

Kahit Meme na raw siya ay tiklop daw siya sa comedy icon.

Sey pa niya, bukod sa pinapanood niya ang mga karakter nito ay mina-manifest niya na makatrabaho ito.

“Super happy ako, talagang mina-manifest ko noon pa, dream ko makasama sa show ni Bitoy (makapag-Bubble Gang.) So at last nandidito na ako. Siyempre, kasama ko si Bitoy,” lahad ni Meme sa isang panayam.

Nagbigay din ng opinyon si Vice hinggil sa malaking impact ng comedy skit show pagdating sa komedya at pop culture ng bansa.

“Malaki ang impact ng show sa pagpapatawa, kasi iba’t ibang uri ng comedy ‘yung pinapakita dito. Maraming natuto na mga komedyante sa mga pamamaraan ng pagpapatawa. So lahat ‘yun makikita mo sa show (“Bubble Gang”). Tsaka ‘yung sinasabi ko nga ‘pag komedyante ka, magkukumpleto ng pagiging komedyante mo pagka nakasama ka sa show niya (nakapag-Bubble Gang ka),” pagtatapos niya.

Marami namang kafaneyan ang nagwi-wish na magkatrabaho ang dalawang comedy icons sa isang pelikula.

Hirit ng kibitzers, kung magsasama raw ang dalawa sa isang movie ay siguradong papatok ito at magtatala ng kasaysayan sa takilya.
Ito ang ilan sa kanilang sey.

“Am rooting for this. That would be a cinematic treat.”

“A collab of two comedy geniuses. That’s something to look forward to.”

“Paano ang billing?”

“Iba naman ang brand ng comedy ni Vice kay Bitoy.”

“Siguradong magiging box office hit yarn.”