Advertisers

Advertisers

1 nalitsong ng buhay sa sunog sa Tarlac

0 16

Advertisers

Halos matusta ang katawan ng isang tao nang masunog ang kanilang bahay sa Brgy. Estipona sa bayan ng Pura sa lalawigan ng Tarla gabi ng Nobyembre 1, 2025.

Ayon sa opisyal na pahayag ni Mayor Atty. John Paul Balmores, hindi pa matiyak ng Bureau of Fire Protection kung babae o lalaki ang 16-anyos na namatay nang makulong sa comfort room na kanilang tahanan.



Kaugnay nito’y nagpaabot ng pakikiramay at tulong ang Pamahalaang Bayan ng Pura sa pamilya ng nasawing biktima.

Ganap na7:00 ng gabi ng masunog ang isang bahay na madaling tinupok ng apoy dahil yari lamang sa light materials ang naturang bahay.

Ayon sa mga firefigthers idineklarang fire out ang sunog 8:35 ng gabi.

Samantala, patuloy ang imbetigasyon ng mga awtoridad kung saan at ano ang dahilan ng naturang sunog.(Thony D. Arcenal)