Advertisers

Advertisers

P20m marijuana lumutang sa dagat sa Batangas

0 22

Advertisers

Nasa kustodiya na ngayon ng Batangas Police Provincial Office ang higit P20 milyon halaga ng dried marijuana o kush nang matagpuan ng mga mangingisda na palutang lutang sa karagatang sakop sa dalampasigan ng ng Brgy. San Piro ng Balayan, Batangas nitong Linggo, Nobyembre 2, 2025.

Ayon sa ulat, na nakarating sa opisina ni CALABARZON Regional Director P/Brigadier General Paul Kenneth T. Lucas, anim (6) na sako ng mga naturang kontrabando ang nadiskubre ng mga mangingisda matapos ang kanilang 21-araw na pangingisda sa bahagi ng Palawan sakop ng West Philippine Sea, Base sa pagtaya ng PDEA Batangas, tinatayang nasa P1,500 bawat gramo ang halaga ng kush, na may kabuuang bigat na 13.5 kilo o may katumbas na kabuoang halaga na humigit kumulang sa P20,000.000.

Isinailalim na din sa inspeksyon ng Batangas Forensic Processing Unit (BFPU) ang bangkang ginamit ng mga mangingisda upang masigurong walang naiwan o natirang kontrabando dito.



Pinuri naman ni Acting Provincial Director ng Batangas Police, PColonel Geovanny Emerick Sibalo ang katapatan at malasakit ng mga mangingisda sa pagsuko ng mga naturang droga na posibleng marami pang sisiraing buhay kung sakaling napunta sa kamay ng mga sindikato at mga taong may interes sa iligal na droga.(Koi Laura)