Advertisers

Advertisers

‘Takot’ si Jinggoy kay Brice Hernandez; ‘guilty’ si Zaldy Co

0 40

Advertisers

MISTULANG malaki ang takot ni Senador Jinggoy Estrada sa mga naging testimonya ni dating DPWH-Bulacan 1st Distrrct Assistant Engineer Brice Hernandez sa multi-billion flood control scandal.

Oo! Gusto ni Jinggoy na pawalang-saysay ang mga testimonya ni Hernandez sa Department of Justice (DoJ) at sa Independent Commission for Infrastractures (ICI) na isinumite sa Office of the Ombudsman para masampahan ito ng mga kaso.

Pero nabigo si Jinggoy. Binasura ng korte, San Juan City Regional Trial Court, Branch 160, ang hiling niyang ‘Temporary Restraining Order’ (TRO) para pigilan si Hernardez sa pag-testify laban sa kanya.



Si Hernandez ang nagsiwalat sa Senate inquiry na nagbaba si Jinggoy ng P335? million na pondo sa DPWH para sa flood control sa Bulacan, at nanghingi ito ng kickback na 25 percent.

Mariin na pinabulaanan ni Jinggoy ang akusasyong ito ni Brice. Obkors! May magnanakaw bang umaamin hangga’t ‘di nadidiin? Hehehe…

Kung walang katotohanan ang mga isiniwalat ni Hernandez, bakit pinipigilan ito ni Jinggoy na mag-testify sa korte? Dito palang ay iisipin mo na na may ginawa ngang kalokohan itong senador. Mismo!

Hindi na bago si Jinggoy sa kaso ng korapyon. Dalawang beses na siyang nakulong sa Plunder. Una, noong panahon ni Gloria Macapagal-Arroyo, at sumunod sa administrasyon ni yumaong Noynoy Aquino.



Napawalang-sala siya sa unang kaso, pero sa pangalawang Plunder niya ay nakalalaya lamang siya dahil sa piyansa.

Kamakailan nga lang ay binasura ng Korte Suprema ang kanyang apela na lusawin ang kaso niya Sandiganbayan.

Tapos ito na naman, Plunder uli ang ipinakakaso sa kanya ng ICI sa Ombudsman, sa flood control projects anomalies.

Naniniwala ako sa mga isiniwalat ni Hernandez. Oo! Sino ba naman si Hernandez para akusahan ng katiwalian ang isang senador.

Hindi nga lang si Jinggoy ang binanggit ni Herrnandez na nanghingi ng kickback sa ibinaba nilang pondo sa DPWH. Binanggit niya rin sina Sen. Joel Villanueva, ex-Sen. Nancy Binay, ex-Sen. Bong Revilla, ex-Congressman Zaldy Co, ex-Congw. Mitch Cajayon, at Commission on Audit (CoA) Commissioner Mario Lipana.

Hindi sila babanggitin ni Hernandez kung walang katotohanan. Alam niyang may paglalagyan siya kung magtatahi lamang siya ng istorya. May resibo siya laban sa mga nabanggit na politiko at opisyal.

Kaya naniniwala ako sa mga isiniwalat ni Hernandez. Pero hindi parin siya dapat patawarin sa mga ginawa nilang multo at palpak na flood control projects.

Ang batas ay batas, malupit pero yan ang batas. Period!