Advertisers

Advertisers

Jailguard timbog sa P131k shabu sa Bilibid

0 5

Advertisers

KULONG ang isang jail guard nang mahulihan ng droga sa buy-bust operation na ikinasa sa loob mismo ng New Bilibid Prison (NBP) Reservation sa Barangay Poblacion, Muntinlupa City, Linggo ng hapon, Nobyembre 2.

Sa ulat mula kay Muntinlupa City Police Station chief, Colonel Robert Domingo, ang 27-anyos na jailguard na si alyas “Paulo” ng Sta. Rosa City, Laguna ay isang High Value Individual (HVI).



Nagsagawa ng operasyon sa Bilibid ang Station Drug Enforcement Unit sa pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Collaborative Group at Directorate for Intelligence and Investigation sa Bureau of Corrections.

Nang inspeksiyunin ng mga awtoridad ang motor ng jailguard, mariin itong tumanggi kaya hiningan ito ng dokumento sa dalang baril.

Walang nagawa ang jail guard kundi buksan nito ang kanyang motor at doon nadiskubre ang 19.4 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P131,920.

Kinumpiska sa jailguard ang Glock 17 9mm pistol na may bala at ang motor nito.