Advertisers
ILANG sasakyan ang makikitang nagpatong-patong matapos humupa ang baha, na dulot ng tuloy-tuloy na ulan dala ng Bagyong Tino, sa Barangay Bacayan, Cebu City.
Nitong Martes, Nobyembre 4, personal na bumisita si Cebu City Mayor Nestor Archival kasama si Cebu Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Head Aderson Comar at mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa Villa del Rio, Barangay Bacayan upang masuri ang kalagayan ng mga residente at maibigay ang kinakailangang tulong.
Ayon sa alkalde, tiniyak nila na may sapat na suporta mula sa lokal na pamahalaan para sa mga naapektuhan ng baha. Pinayuhan din niya ang publiko na maging maingat at manatiling alerto sa lahat ng oras.
Nakataas ang Signal No. 3 sa northern at central portion ng Cebu, ayon sa typhoon bulletin ng PAGASA 11:00 ng umaga, habang Signal No. 2 sa natitirang bahagi ng probinsya.