Advertisers

Advertisers

Senate Pres. Tito Sotto nagreak sa banta ni Anjo Yllana na ibubuking ang kabit niya

0 90

Advertisers

Ni Anne Venancio

Sa isang Facebook post, nagbitaw si Anjo Yllana ng matinding pahayag laban kay Senate Pres. Tito Sotto na ibubunyag umano niya ang kabit nito.

“Tito Sen, gusto mo bang ilabas ko kung sino ang kabit mo mula pa noong 2013?” ani Anjo, kasabay ng patutsada laban sa mga umano’y “bayarang vlogger” ni Sotto.

Ngunit hindi na pinatulan pa ni Sotto ang isyu. “Hindi ko na papatulan ‘yan. Huwag niyong pansinin, nagpapapansin lang,” tugon ng senador. Aniya, “Itaas natin ang antas ng Senado—huwag nating isama sa showbiz.”

Matatandaang una nang pinuna ni Anjo ang umano’y pangakong ibibigay ni Sotto ang kanyang suweldo sa mga iskolar. “Kung totoo ‘yan, maglabas ka ng resibo,” hamon ni Anjo.

Giit pa ng dating TV host, marami pa siyang ilalantad tungkol sa mga nangyari sa likod ng “Eat Bulaga” at hindi raw siya natatakot kina Tito, Vic, at Joey.

Matapos ang mahigit dalawang dekada sa longest-running noontime show, lumipat si Anjo sa Net25.