Advertisers
Ni Anne Venancio
MAS determinado at responsable ngayon sa kanyang pagbabago sa buhay si Baron Geisler, bagay na napapansin sa kanya ng mga nakakatrabaho. Professional at maayos na raw ang aktor sa set at malayo na sa dating imahe nito.
Isa sa itinuturong dahilan ng pagiging positibo nito ay ang muling pagkikita nila ng kanyang 18-anyos na anak na si Sophia kay Nadia Montenegro.
Sa ngayon, pamilya ang inspirasyon ni Baron, ang kanyang asawa, anak, 2 stepsons, at si Sophia na nag-aaral na sa kolehiyo. Siya mismo ang sumasagot ng tuition fee nito, patunay na seryoso siya sa kanyang mga responsibilidad.
Samantala, number 1 sa Netflix Philippines ang pinagbibidahan nitong pelikula na ‘The Delivery Rider’ na idinirek ni Lester Pimentel. Napapanood din si Baron sa FPJ’s Batang Quiapo.