Advertisers

Advertisers

Sam Milby nagulat na may sakit na diabetes kahit maingat sa pagkain

0 11

Advertisers

Ni Anne Venancio

Sumailalim sa general checkup sa Singapore ang aktor na si Sam Milby kung saan nakumpirmang mayroon siyang latent autoimmune diabetes o Type 1.5 diabetes (LADA), isang bihirang uri ng diabetes na unti-unting nagiging Type 1.

Ibinahagi ni Sam na nagsimula ang lahat nang mapansin ng isang fan ang kanyang kondisyon at nagkomento tungkol dito.
Ayon sa aktor, “Nag-research ako at kinausap ko ang endocrinologist ko. Pinayuhan nila akong magpa-blood test, at doon nakumpirma. Eventually, magiging Type 1 ako. Ibig sabihin, hindi na ako magpo-produce ng insulin at baka kailangan ko nang mag-insulin shots.”



Aminado si Sam na parehong nagkaroon ng diabetes ang kanyang mga magulang pero nagulat pa rin siya sa diagnosis dahil maingat umano siya sa pagkain at lifestyle.
“Healthy naman ako kumain, kaya nagulat ako. Sabi ng doktor, stress daw talaga ang isa sa mga malaking factors,” dagdag pa niya.

Sa ngayon, mas pinagtutuunan ni Sam ng pansin ang physical activity at balanced diet kabilang na ang paglalaro ng pickleball at pagkain ng shirataki rice at pasta.
Sa kabila ng diagnosis, nananatiling positibo ang aktor: “It’s part of my life now.”