Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
Nalalapit na ang pagbabalik ng Kuya ng bayan, Willie Revillame sa pagbibigay saya at ligaya sa milyon-milyong Pilipino. Mula Luzon, Visayas, at Mindanao, araw-araw may tyansang maging milyonaryo sa pinakabagong handog ni Kuya Wil na “Wilyonaryo.”
Sa inilabas na teaser video ng kanyang official Facebook account, makikita ang mga kahon na may mga lumalabas na letra at kulay. Sabi sa caption nito, “Sa bawat letra at kulay, may swerteng magpapabago ng buhay!”
Mapapansin na rin na nagbagong mukha na ang “Wowowin” Facebook page kung saan “Wilyonaryo” na ang profile picture at cover photo nito. Sa comment sections ng mga bagong posts nito, damang-dama ang excitement sa muling pagbabalik ni Kuya Wil. Wala pang ibang detalye tungkol sa “Wilyonaryo” pero inaasahan na ang nalalapit na pag-launch nito.
***
SA kanilang news program na Agenda nitong Biyernes, Oktubre 31, nag-dress up sina Korina Sanchez, Willard Cheng, Pinky Webb, at Monique Tuzon, na talagang nagpasabog ng katatawanan online.
Simple man ang itim na tela ni Willard, agaw-pansin pa rin ang kanyang witty costume. Nagbiro siya na siya si Zaldy Co, kaya hindi siya nakikita.
Si Monique na nagbihis bilang si Claudine Co, complete with a bag of cash, dalawang Birkin bag, passport, at mga alahas.
Si Pinky naman, nag-ghost mode bilang “ghost project ng DPWH,” suot ang puting tela, hard hat, at hazard vest.
Nag-ala SAL-N, si Korina na lumalaki raw sa umpisa pero lumiit nang mabuko!