Advertisers

Advertisers

BANGKAY NG 68-ANYOS NA LOLA AT PWD SA SUNOG, NAKITA SA BANYO SA ANTIPOLO!

0 42

Advertisers

Magkahiwalay na natgpuan ng mga pamatay sunog ang bangkay ng 68-anyos na lola at 28-nyos na person with disability sa sunog sa Antipolo City kagabi.

Unang natagpua sa comfort room ang bangkay ng matandang si Marieta at sa bathroom naman ang bangkay ng PWD si Catherine.

Ayon sa mga imbestigador, dakong 8:00 kagabi ng mangyari ang sunog sa Zone-10, Brgy., San Roque, sa lungsod.

Dakong 10:00 ng gabi ng ideklara itong fire out ng mga bombero.

Habang hindi pa tiyak ng Antipolo fire department ang total damage at original na pinagmulan ng sunog.

Paniwala ng mga bombero hindi na nagawang makalabas ng bahay ang mga biktima dahil sa mabilis na paglagablab ng apoy.

Kung saan pinaniniwalaang nagtago ang mga ito sa bathroom at comfort room. (Edwin Moreno)