Advertisers

Advertisers

Trillanes: ‘Si Bong Go ang mastermind!’

0 81

Advertisers

“HINDI po ako magnanakaw, hindi po ako contractor. Senador po ako na nagse-serbisyo lang po sa ating mga kaba-bayan na Pilipino,” ang sabi ni Senator (kuno) Christopher Lawrence Tesoro Go a.ka. Bong Go, a.k.a Errand Boy, a.k.a Boy Selfie at a.k.a Boy Sinungaling.

Ang sabi naman ni former Senator Antonio Trillanes, “Ang main plunderer ay si Bong Go kasi siya ang central figure doon sa tatay at kapatid. Ang nag-a-approve ay ito si (former President Rodrigo Duterte) pero nasa likod niya si Bong Go.”

Bong Go: “You are barking at the wrong tree (you are barking UP the wrong tree). Kung seryoso ka talaga, bakit ‘di mo kasuhan ‘yang totoong mga korup talaga.”

Trillanes: “siya na nga ‘tung tinutugis ko kasi siya ‘yun mastermind.”

Ikaw naman pala e, hahahaha.

Sa mga social media post, tinukoy ni Trillanes si Bong Go ang “mastermind” sa lahat ng illegal transactions, mapa-POGO man yan o mapa-droga o mapa-flood control scam, o mapa-EJK, basta lahat ng illegal sa panahon ng walanghiyang Digong!

Sobrang bagsik ng pamamayagpag ni alias Boy Tuta nung kapanahunan nila. Biruin mo ba naman, sinagad talaga nila ang pagkakataon na siya ang right hand man ng preso sa DaHeg para magkamal ng limpak-limpak na salapi!

Bhe, buti nga ni-reject ng International Criminal Court o ICC Pre-Trial Chamber ang desperate attempt ng mga DDS na -i-delay ang kayo. Mismong ang Supreme Court na puro appointed ng preso sa DaHeg, ay kumikilala sa ICC jurisdiction na obligadong makipag-ugnayan ang Philippine government.

Be ready, Ronald “Bato” Dela Rosa at Boy Tuta, kayo na ang susunod sa DaHeg, hehehe!

Ang hamon ni Bato kay Trillanes, “Kahit sumama ka pa sa ICC, ikaw pa ang mag-posas sa akin.”

Katwirang bata! “Sige nga, kung talagang matapang ka hipuin mo nga tainga ko?” Whaaaa.

Sina Bato o Boy Tuta at iba pang kaalyado ng DDS ang senyales ng mahina ang utak ng isang tao. Proud sila na ipagtanggol ang mali at kapag wala na silang masabi, nagagalit na lang bigla!

Para sa kanila, ang pride ang mas mahalaga kaysa sa katotohanan. Nakalulungkot pero ito ang totoo.

Mas pinipili pa nila ang ipaglaban ang mali kaysa aminin na nagkamali sila. Imbes na makinig o magbago, mas pinipili pa nilang magpataas ng boses, manisi at magalit.

Eto, bakit ibinigay kay Boy Tuta ang P30 billion insertion ni Chiz Escudero para sa gagawing health centers nationwide, bakit hindi sa Department of Health?

Sa testimonya noon ni dating PCSO General Manager Rpyina Garma sa House quad committee, si Boy Tuta ang “coordinator” at “overseer” sa EJK operations.

Para namang tarantang itik ang mga alipores ni Digonyo sa naglabasang post sa social media ang warrant of arrest ng International Criminal Court (ICC) para kay Bato.

Wait, wait ka lang Bato, si Trillanes ang magpo-posas sa s’yo!

Saka ‘wag nyong gawing sangkalan ang taumbayan para sa inyong sariling interes dahil isang porsiyento na lang ang naniniwala sa inyong kabugukan!

Sumobra sa kasamaan ang amo nyo kaya dapat lang na pagdusahan nyo ang kawalang-hiyaang ginawa nyo sa bayan.

Plano ng mga totoong salot sa lipunan na magsagawa ng protest rally laban sa katiwalian sa gobyerno sa November 30, Bonifacio Day.

Ano kayo hilo?

Sa palagay ko wala kayong karapatang mag-rally laban sa korapsyon dahil kitang-kita at malinaw pa sa sikat ng araw ang inyong pagsuporta sa nagpasimuno ng patayan, pangungulimbat sa kaban ng bayan at pagsuporta sa China.

Kailan kaya kayo mauumpog sa payer?

***

ICI Bill at Anti-Dynasty Bill

NITONG nakaraang araw, nagtalumpati si Speaker Faustino “Bojie” Dy III tungkol sa pagsasabatas ng Independent Commission for Infrastructure Corruption o ICI Bill at Anti-Dynasty Bill.

Ang sabi niya, itatatag sa ICI Bill ang isang independent body na siyang mag-i-imbestiga at uusig sa indibiduwal na sangkot sa ghost at anomalous infrastructure projects, lalo na flood control programs.

Ito ang magiging solusyon sa makatutulong upang mapanagot ang mga tiwaling indibiduwal na sangkot sa flood control projects.

Pagtutuunan din ng pansin ang Anti-Dynasty Bill upang harapin ang pagpapatupad ng batas laban sa political dynasty na matagal nang nakasaad sa Saligang Batas.

Hindi layunin ng panukala na hadlangan ang sinuman, kundi upang palawakin ang pagkakataon para sa mas maraming Filipino na makapaglingkod at makibahagi sa pamahalaan.

Aminado naman ni Speaker Bojie na mismong pamilya niya ang tatamaan dito.

Sigurado ako na maisasabatas ang ICI Bill kaysa sa Anti-Dynasty Bill.

Maraming tatamaan dito dahil santambak na political family ang inangkin na ang isang lugar ginawa nilang balwarte. Sino pa ang magtatangkang lumaban sa kanila?

Sa wikipedia, makikita dito ang listahan ng political families sa Pilipinas. Mula sa letter A hanggang sa letter Z.

Walang butas na iniwan, mula sa mataas na posisyon, siguro hanggang barangay level. Bakit hindi?

Sabi nga ng isang kaibigan, “wala yan. Uupuan lang ‘yan!”

Pero kung maipapasa ang Anti-Political Dynasty, aba’y maganda ‘yan.