Advertisers

Advertisers

Alegasyon ni Zaldy Co vs PBBM imbento at ‘hearsay’ lang – Palasyo

0 50

Advertisers

MARIING pinabulaanan ng Malacañang ang alegasyon ni dating Cong. Zaldy Co hinggil sa umano’y P100 bilyong budget insertions sa bicameral conference committee.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro na walang konkretong ebidensya ang mga pahayag ni Co, na aniya’y puro “hearsay” o batay lamang sa sabi-sabi.

Giit niya, sa halip na tumugon sa mga isyung kinasasangkutan sa flood control scam, tila pinalalabo ng dating kongresista ang usapin sa pamamagitan ng pagdawit sa Pangulo.



Paliwanag ni Castro, kung talagang may layunin ang Pangulo na magsingit ng pondo, hindi sa bicam ito idaraan dahil maaari naman itong direktang ilagay sa National Expenditure Program (NEP).

Dahil dito, aniya, “illogical” ang sinasabing scenario ni Co.



Dagdag ni Castro, hindi nababahala si Pangulong Marcos Jr. dahil malinaw umano sa kanya at sa Palasyo na walang basehan ang mga akusasyon.

Aniya, “tahi-tahi lamang” ang mga salaysay ni Co na layong ilihis ang isyu sa gitna ng umiinit na imbestigasyon ng pamahalaan ukol sa flood control scandal.



Samantala, hinamon din ng Palasyo ang dating mambabatas na umuwi sa bansa at humarap sa proseso, sa halip na magbigay ng pahayag mula sa ibang lugar.

Giit pa ni Castro, nararapat lamang na ihayag ni Co ang sinasabi niyang katotohanan sa harap ng awtoridad upang malinawan ang publiko sa mga anomalya sa flood control projects. (Gilbert Perdez/Vanz Fernandez)