Advertisers

Advertisers

ASEAN Extradition Treaty, malaking hakbang laban sa krimen — PBBM

0 7

Advertisers

Ibinida ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nasa “threshold of a significant achievement” ang ASEAN sa nalalapit na pagpirma ng ASEAN Extradition Treaty (AET).

Sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng 13th ASEAN Law Ministers Meeting, sinabi ng Pangulo na ang kasunduang ito ay magtitiyak na ang mga may kaso ay hindi makatatakas sa hustisya kahit tumawid pa ng hangganan.

Giit ng Pangulo, ang AET ay nagpapakita ng sama-samang determinasyon ng rehiyon na ipatupad ang batas laban sa mga kriminal na gumagamit ng iba’t ibang bansa para takasan ang pananagutan o krimen.

Binanggit ng Punong Ehekutibo na nakapaloob sa kasunduan ang mahahalagang prinsipyo tulad ng extradition of nationals, provisional arrest procedures, documentation requirements, at dispute settlement mechanisms.

Samantala, tinawag ni Pangulong Marcos ang AET bilang “defining moment” sa pagtutulungan ng ASEAN para tiyaking mapapanagot ang mga lumalabag sa batas.

Dagdag pa niya, ang kasunduang ito ay nagpapadala ng malinaw na mensahe na matatag ang pagkakaisa at legal na pundasyon ng ASEAN. (Gilbert Perdez)