Advertisers

Advertisers

NAKAKAHIYA MAGING MIYEMBRO NG KONGRESO, PARANG OK LANG MAGNAKAW – REP. LEVISTE

0 12

Advertisers

Uminit ang tensyon sa Kongreso matapos ihayag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste ang kanyang pagtutol sa rekomendasyon ng House Ethics Committee na suspendihin si Cavite Rep. Kiko Barzaga.

Ayon kay Leviste, tila maling isyu ang inuuna ng Kamara dahil mas mabilis pa raw kumilos ang Kongreso sa kaso ni Barzaga kaysa sa mas mabibigat na alegasyon laban sa isa pang kongresista na umano’y sangkot sa multibillion-peso anomalya sa DPWH. Giit niya, nakakabahala na tila nagiging “normal” ang pagkakaroon ng miyembrong iniuugnay sa mahigit P100 bilyong iregularidad ngunit hindi man lang ito iniimbestigahan ng mga komite.

Dagdag pa ni Leviste, kahina-hinala na ilang oras bago ang botohan ay saka pa lamang inilabas ang committee report at tanging si Barzaga lamang ang naparusahan, kahit may mas seryosong isyung dapat unahin.

Dahil dito, marami ang napaisip: may pinoprotektahan ba? O may sinusupil na boses? Sa patuloy na kaliwaan ng isyu, lalong nabubuksan ang mata ng publiko sa tunay na kalakaran sa loob ng Kongreso.

***

Anumang Reaksyon o Suhestiyon i-text sa 0936-8625001/0939-7177977 o di kaya mag email: balyador69@gmail.com