Advertisers
HALOS dalawang buwan na nagpahinga ang inyong lingkod at pansamantalang nawala sa sirkulasyon ang SIKRETA. Biglaan ang aking pagbabakasyon kayat di na nagawang makapagpaalam pa sa ating mga tagatangkilik. Pansamantalang lumayo sa magulong isyu ng pulitika at iba’t-ibang mga balita sa ating bansa.
Sinamantala natin ang pagkakataong maranasan ang masaya at di malilimutang mga “cruise ship”. Ang paglilibot sa dagat sakay sa mga “luxury ship” na Margaritaville at Radiance of the Sea ay nagawa natin malibot mula sa Fort Lauderdale ang Key West Florida; Freeport,Grand Bahamas; Cozumel, Mexico at Turks & Caicos Islands na isang British Overseas Territory.
Habang lulan ng nakakalulang higanteng barko ay nasaksihan ko at naranasan ang iba’t-ibang mga game changing thrills, dazzling entertainment, food trips at duty-free shopping. Nakita ko personal ang mga kababayan nating Pilipino na matagumpay sa larangan ng entertainment, magagaling na chef at cook at sa iba pang mga mararangal na hanapbuhay.
Nasaksihan ko ang mga magagandang tanawin, mapuputing buhangin ng mga baybayin at kulay bughaw na tubig dagat; natikman ko ang ibat-ibang mga uri ng pagkain at mga putahe ng mga ulam ng iba’t-ibang lugal; nadiskubre ang mga kasaysayan at mayamang kultura ng bawat lugal na aking napuntahan.
Kabilang sa napuntahan ko ay ang Cozumel, Mexico na kilalang pinakamalaking Carribean Island na matatagpuan sa Yucatan Peninsula na kung saan makikita ang San Gervasio Mayan Archaeological Site o ang Mayan ruins. Ang Turks and Caicos Islands naman ay isang British Overseas Territory sa Atlantic Ocean sa sa Bahamas na sikat sa kanilang mapuputing buhangin na baybayin, scuba diving at underwater marine life.
Habang nasa bakasyon ay may “fake news” na kumalat sa sirkulasyon na ang inyong lingkod ay sumakabilang-buhay na. Wala po akong dapat ipaliwanag o obligasyon na magpaliwanag kaninuman. “Sometimes we need a little sunshine, a getaway to breathe and take a break”. Para sa komento: Cp.No. 0966 406 6144
***
Kay Balayan Mayor Liza Ermita, Edwin at Mam Elvie nais ko ipaabot ang taos pusong pakikiramay sa pagyao ni Ex-Executive Secretary Eduardo R. Ermita na itinuring kong ama at matalik na kaibigan sa tunay na diwa ng pagiging magkaibigan.