Adbokasiya Ang Women’s Rights! Celebrity Lawyer Atty. Maggie Tutok Sa Kaso Ng Kliyenteng Si Councilor Eunice Castro Laban Kay Konsehal Ryan Ponce
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Matapos maisampa, last December ni Manila Councilor Eunice Ann Denice Castro ang kasong sexual harrassment na isang criminal case. Laban sa kapwa konsehal na si Ryan Ponce. Ngayong January ay kasama ang legal counsel na si Celebrity lawyer Atty. Maggie Abraham-Garduque. Magpa-file naman ng Administrative case si Konsehala Castro kay Ponce.
Sobrang na-harass kasi ang pagkababae ni Castro, na grabe ang naranasan sa mga kamanyakan ni Ponce. Imagine pati yung pantulog sa umaga ni Konsehala ay gusto niyang makita. Tapos bago raw sumakay sa elevator ay kinamayan siya ni Ponce na nagpapaalam sa kanya. Pero binastos uli siya nito. “Ngunit imbes na maayos na pagkamayan ang nangyari kinamayan niya(Ponce) ako at dinutdot ang aking palad ng ilang beses. Senyales na inaaya akong makipagtalik sa kanya sa harap ng mga barangay officials at opisyal ng gobyerno ng lungsod,” sabi pa ni Castro sa previlege speech niya patungkol kay Ponce. At patuloy pa nito,
“Sa dismaya ko, tinanggal ko ang kamay at agad na nagsalita sa kanya na may galit na pigil na pigil. ‘Kuya ano ba naman? Pati ba naman ako? Na ultimong reaksyon niya ay ngumiting parang manyakis. Hanggang sa pagbaba natin, hinihintay kong humingi ka ng paumanhin ngunit nagpaalam ako sa’yo at nag-iintay ako. I usually address you kuya dahil nirerespeto kita.
Isa pang alegasyon ni Castro kay Ponce ay may sinuggest raw ito sa kanya ng isang uri ng massage na hindi siya familiar.
“Inabisuhan mo akong subukan ang ‘yoni massage’ na hindi ko alam kung anong ibig sabihin noon. Wala akong ideya kung ano ba iyon. At tinanong ako ng isang konsehala na kausap natin, ang sagot ko hindi ko alam. At ginoogle niya. Ang lumabas, a massage that focuses on the female genitalia na kinagulat naming dalawa, ng kasama kong konsehala,” dagdag rebelasyon pa ni Konsehal Castro.
Ramdam ni Castro, na posibleng may biktima ng sexual harassment si Ponce. Kaya’t hinihikayat niyang lumantad ang mga ito at huwag matakot.
“Hinihikayat ko kayong lahat, ‘wag mangamba, ‘wag magsarili, ‘wag mag-isa, ‘wag magkulong, ‘wag matakot. Wala kayo, wala tayong dapat ikahiya. Dapat rito sa taong abusado sa atin, tinatayuan, tinatawag, nilalabanan sa tamang paraan. Kaya kagalang-galang Ryan Ponce, shame on you for treating us women like an object! At pagdating sa mga karapatan ng kababaehan ay palaban rin ang abogado ni Castro na si Atty. Maggie lalo’t adbokasiya niya ang women’s right. Remember naipanalo niya(Atty. Maggie) ang kaso ni Kapuso actress Rita Daniela laban kay Archie Alemania na ‘acts of lasciviousness.’ Walang inuurungan si Atty. Garduque lalo na pagdating sa ganitong kaso at nasa katuwiran ang kliyente at may matibay itong ebidensya. Tinututokan ni Atty. Maggie ang kasong ito ni Manila 4th District Councilor Eunice Castro laban kay Konse Ponce for alleged violations of Republic Act No. 11313, or the Safe Spaces Act, and acts of lasciviousness. Naku, mukhang may tulog sa kasong ito si Ponce.