Advertisers
Ni Rommel Gonzales
Iba rin talaga ang lakas ng hatak ng Innervoices sa mga live gigs audience.
Imagine, December 25, mismong araw ng Pasko, napuno ng grupo ang Hard Rock Café Makati.
Iyong gabi na usually ay nasa mga selebrasyon sa kani-kanilang tahanan, marami ang dumagsa sa HRC Makati upang maging parte ng Pasko nila ang Innervoices.
January 3 naman, sa biglaang pagpunta namin sa HRC sa Makati pa rin with dear friend and colleague Maryo Labad, punumpuno rin ang venue na nanood sa 2026 opening salvo na gig ng Innervoices.
As in walang bakanteng mesa, suwerte na nga na nakaupo pa kami ni Maryo.
And that night, happy ang aming old school na puso dahil may mga bagong lumang inawit ang Innervoices.
Bago dahil noon lang namin narinig mula sa kanila, luma dahil mga hit pop songs ang mga iyon noong late 80’s na panahong teenager pa kami at nagsisimula nang mahilig sa musika.
Anyways, kahit ano namang petsa o okasyon, nakaka-enjoy namang tunay na manood sa live performances ng Innervoices, sa HRC Makati man o Manila, sa Noctos Bar at sa Aromata na parehong nasa QC at sa 19 East sa Muntinlupa City.
Ang Innervoices, na kakapanalo lamang bilang Best Group Performer in Hotels, Music Lounges, and Bars sa 38th Aliw Awards, ay binubuo ni Atty. Rey Bergado (leader ng grupo na keyboardista rin at bokalista), at nina Patrick Marcelino (vocals), Rene Tecson (guitar), Rey Bergado (keyboard), Alvin Herbon (bass), Joseph Cruz (keyboard & vocals), at Joseph Esparrago (drums, percussion, at vocals).
Kaya sigurado, tuluy-tuloy ang sakses ng grupo ngayong 2026 at sa mga darating pang mga taon.
By the way, pakiboto ang Innervoices sa
VIBE: MAIN VIBE LEADERBOARD kung saan numbers 1 and 2 respectively ang mga kanta nilang I Will Wait For You In The Rain at Shadows.
Please continue to power vote via www.vibeph.tv.
Tuloy tuloy lang tayo sa pag vote hanggang Friday (January 9).
To vote please click www.vibeph.tv
and follow these steps:
1. Select Power Voting
2.Select Experience then choose Main Vibe
3. Search Artist then type InnerVoices
4. Select song (I Will Wait for You in the Rain)
5. Select your preferred voting power.
You may also vote via SMS and Messenger. Please vote everyday to increase our chances or returning to Vibe Main Stage.