Advertisers
Ni Favatinni San
Naging defensive si Maine Mendoza matapos madawit ang kanyang pangalan sa kontrobersiyal na isyu ng flood control. Masakit din umano sa panig ng pamilya Mendoza ang paratang na ang pagkakaroon nila ng limang McDonald’s franchise ay dahil sa pera ng pamilya Atayde.
Ayon sa mga nakakakilala sa pamilya ni Maine, matagal nang may kani-kaniyang negosyo ang kanyang mga magulang. Bunso si Maine at nagtapos ng Culinary Arts, ngunit naging instant hit siya sa telebisyon dahil sa kanyang natural na pagpapatawa—kaya naman agad siyang kinuha bilang mainstay ng Eat Bulaga.
Sa unang taon pa lamang niya sa showbiz, kumita na ng milyun-milyon si Maine mula sa endorsements, bukod pa sa talent fees sa Eat Bulaga, mga sitcom, at pelikula na kanyang ginawa.
Ipinagtanggol din niya ang mister na si Arjo Atayde, kongresista ng First District ng Quezon City, matapos idawit ni Curlee Discaya sa alegasyon ng kickback na umabot umano sa ?60 milyon—na sinasabing kinuha raw ng ama ni Arjo na si Art Atayde.
Matatandaang nagtungo pa si Arjo sa ICI upang pabulaanan ang akusasyon, iginiit na walang katotohanan ang paratang laban sa kanyang ama. Sa ngayon, hinihintay pa ang magiging desisyon ng Office of the Ombudsman.
Isa pang isyung lumutang ay ang umano’y hindi pa pagkakaroon ng anak nina Maine at Arjo, gayong hayagang sabik si Sylvia Sanchez na magkaapo—na nauna pang natupad kina Ria Atayde at Zanjoe Marudo.
Sa showbiz circles ngayon, usap-usapan kung totoo ngang hiwalay na sina Maine at Arjo. Si “Ibyang” kaya ang babasag sa intriga?
***
JANDY ROMAN, DAKILANG LAHI FILIPINO AWARDEE
Masaya at puno ng pasasalamat si JANDY ROMAN matapos kilalanin bilang isa sa mga awardee sa ginanap na 1st Dakilang Lahi Filipino Awards, kung saan pinarangalan ang kanyang husay bilang fashion designer.
May mahigit 15 taon na karanasan si Jandy sa industriya at kilala hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa ang kanyang mga likha. Sa lokal na showbiz, kabilang sa kanyang mga kliyente ang piling-piling celebrities, beauty queens, at GMA Sparkle artist na si Althea Ablan, na isa ring awardee.
Noong Disyembre 13, tampok ang kanyang pinakabagong koleksiyon sa Metro Fashion Ball na ginanap sa Crowne Plaza, Manila Galleria—isang gabi ng moda at karangyaan.
Ayon kay Jandy:
“An unforgettable way to end the year 2025. Truly blessed. Thank you, Dakilang Lahi Filipino Awards, for recognizing my passion in fashion.”
Jandy, deserving ka—at congratulations!