Gaya-Gaya Na Ba Sa Palpak At Kabaliwang Hula Ni Rudy Baldwin! Ogie Diaz, Nasilat Sa Blind Item Na Power Couple Na Maghihiwalay Raw
Advertisers
Ni Peter Ledesma
Sa showbiz ay napaka-importante o mahalaga ng credibility mo, lalo na kapag ikaw ay vlogger o showbiz writer. Kaya dapat bago mo ibalita ang isang isyu ay inaalam mo muna kung totoo ba o hindi ang iyong facts, at mahirap ng pumalpak o silat.
Tulad nitong Blind Item ni Ogie Diaz sa kanilang Vlog. Na tungkol sa isang Power Couple raw na malapit ng maghiwalay. At dakdak pa ni Ogie, nagpapakamartir lang daw itong si misis na actress sa babaerong mister kaya nagsasama pa ang mag-asawa.
Kaniya-kanya ng hula ang netizens na kung sinong maimpluwensiyang couple ito? Kaso mo agad na nag-reak at nag-deny sina Marian Rivera at Dingdong Dantes also Luis Manzano and Jessy Mendiola.
At sa kanya namang Tiktok Live, ay diretsahang sinagot ni Ultimate Multimedia Star at Toni Talks host na si Toni Gonzaga ang viewers na nagtatanong about sa relasyon nila ni Direk Paul bilang mag-asawa. Na ang ibig nilang tukuyin ay kung totoong on the rocks na ba ang PaulTin? Gaya ng blind item ni Ogie. Na hindi man niya pinangalan ay may obligasyon pa rin siya na patunayan ito sa publiko. At sobrang mean niya kapag napatunayang nag-iimbento lamang siya ng kwento?
By the way, narito ang simpleng sagot ni Toni na sampal na rin sa detractors nila ni Direk Paul. Hello Ogie and Manang Cristy kayo ba ito na mag-inang chaka?
“Do not waste time sa mga nonsense, okay? Ang mga waste dapat fina-flush sa CR. At dagdag pa ng famous actress and the best talk show host.
“Umiinom ako ng anti-oxidant, so lahat ng mga waste in my body, ifa-flush natin ngayon sa CR just like yung mga ibang katanungan ng mga tao dito na wala namang…walang silbi yung pupuntahan.” Saad pa ni Toni. So very loud and clear na malaking nonsense ang isyu sa kanila ni Direk Paul lalo’t intact sila at masayang nagsasama sa iisang bubong kasama ang mga anak na sina Seve at Polly.
So ngayong nag-deny na ang lahat. Ano ka ngayon Ogie Diaz? Parang hindi ka pa yata nadadala dati na-stress ka super at hindi ka na raw nakakapagtulog sa isinampang Cyber Libel sa iyo noon ni Mommy Pinty Gonzaga. Beware baka maulit na naman ito at wala kang tigil sa mga paninira mo sa PaulTin at Gonzaga Sisters. And I think, this time ay hinding-hindi mo na malulusutan sakaling sampahan ka uli ng kaso ni Mommy Pinty. Remember pinick-up na sa social media ang BI mong ito.
Saka tanong lang, Idolo mo ba si Rudy Baldwin? Na ang mga hula ay palpak raw at mga kabaliwan. Imagine, hinulaan nito last year na mamatay na daw ang sexy vlogger na si Ivana Alawi sa taon ring yun sa sakit na Cancer. Pero sa awa ng Diyos, hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin si Ivana.
Para naman doon sa mga nagbibigay ng ibang meaning sa naging pahayag ni Toni sa Reunion Episode nila ng mga kaibigan at kasamahan sa PBB na sina Mariel Rodriguez at Bianca Gonzales. Sa kanyang very popular Vlog na “Toni Talks.” Na “Marriage is a union of two forgivers…Kapag hindi mo na kayang mag-forgive, hindi mo na kayang mag-love.” Hello, ang ibig sabihin ni Toni, kapag marunong kang magmahal ay marunong ka ring magpatawad lalong-lalo na sa lalaking pinili mong pakasalan. At kung nagbigay na ng kani- kanilang insinuation ang iba na tungkol ito sa cheating at pagpapaka-martir ay nagkakakamali po kayo. Dahil family man si Direk Paul at hindi niya ito magagawa kay Toni. Yung forgiveness pwedeng hindi pagkakaintindihan o diskusyon ng isang mag-asawa. Na sa huli ay nagkakaunwaan rin. Yun lang yon!