Advertisers

Advertisers

Bading pinatay ng lalaking 3 beses niyang ‘ginahasa’

0 24

Advertisers

TODAS ang isang bading nang gilitan sa leeg sa isang liblib na lugar sa Sto. Tomas, Isabela.
Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa Barangay Balelleng nang papuntahin ng biktima ang salarin sa nasabing lugar, kungsaan doon isinagawa ang krimen.
Kinabukasan, natagpuan ang bangkay ng biktima ng kaniyang kapatid, na agad humingi ng tulong sa mga awtoridad.
Habang isinasagawa ang imbestigasyon sa lugar, kusa umanong lumapit ang salarin sa mga pulis at inamin ang pagkakasangkot sa krimen.
Ipinakita rin nito ang patalim na sinasabing ginamit sa pagpatay.
Ayon sa depensa ng salarin, napilitan siyang gawin ang krimen dahil tatlong beses na siyang ginahasa ng biktima.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya ng Sto. Tomas Police Station ang salarin, nahaharap sa kasong homicide.