Advertisers
Dead on arrival sa pagamutan ang aktibong Brgy, Chairman at ikinasugat ng isang magsasaka nang pagbabarilin ng riding in tandem sa Brgy, Kabulihan sa bayan ng Gen. Natividad Nueva Ecija Martes ng umaga, Marso 17.
Sa report na tinanggap ni PRO 3 Dir. Bgen.Jess Mendez, mula kay PMaj. Roilan V. Gonzales, kinilala ang biktimang si Arthur Bautista, 40-anyos, na kasalukuyang kapitan del barrio sa naturang lugar; at sugatan naman si Conrado Villena, 56-anyos, mag- sasaka na agad ring nadala sa pagamutan na nasa ligtas ng kalagayan.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad basta na lamang sumulpot ang mga salarin lulan ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang Kapitan ng barangay.
Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang mga salarin na patungo sa direksyon sa lungsod ng Cabanatuan.
Kasunod nito agad nagsagawa ng dragnet operation o Oplan Bakod ang mga pulis, subali’t bigo silang madakip ang mga salarin.
Naglunsad na ng manhunt operation ang mga awtoridad at nagsasagawa na rin malalimang imbestigaston ang mga pulis upang matukoy kung sino mga salarin at kung ano ang motibo sa krimen. (Thony D. Arcenal)