Advertisers

Advertisers

Paslit nilamon ng ilog

0 19

Advertisers

Patay ang isang limang taong gulang na batang lalaki nang malunod sa ilog sa Barangay Bulo, Tabuk City, Kalinga.
Sa ulat, 5:50 ng hapon nang makatanggap ng impormasyon ang Bureau of Fire Protection (BFP) Tabuk City, sa pamumuno ni FSInsp. Gilbert Ngaya-an, hinggil sa insidente ng pagkalunod sa kahabaan ng irrigation canal sa Turod, Bulo.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng BFP at nakipag-ugnayan sa iba pang rescue teams upang magsagawa ng paghahanap sa lugar.
Sa patuloy na search and rescue operation ng mga otoridad kasama ang mga boluntaryo sa komunidad, natagpuan din ang katawan ng bata 7:20 ng umaga ng Marso 17, 2026 sa Sitio Bunao, Sotto, Bulo.
Agad isinugod sa Kalinga Gabriela Mija Kim Medical Center sa Agbannawag ang biktima, subali’t idineklara itong dead on arrival ng attending physician.
Ayon sa BFP Tabuk City, ito ang kauna-unahang naitalang insidente ng pagkalunod sa lungsod ngayong taong 2026. (Fidel Coloma)