Advertisers

Advertisers

4 mountaineer 10 araw ‘missing’, nahanap na

0 7

Advertisers

Nahanap na ng rescue teams ang apat na mountaineer sa halos sampung araw na naligaw at nawala sa kabundukan na sakop ng Ilocos Norte at Apayao.
Sa report, mga mountaineers ang mga na-rescue na galing pa sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa na may edad na 59, 49, 48 at 28.
Matatandaan noong Marso 2, 2026, umakyat ang apat sa Mount Sicapoo na isa sa pinakamataas na bundok sa Northern Luzon.
Makakarating sana ang mga mountaineer sa kanilang exit point ng Marso 8 pero hindi na sila na-contact sa kanilang mga cellphone.
Agad na ipinaalam ito sa lokal na awtoridad kung kayat nagtulong-tulong ang pulisya, Philippine Marines, Bureau of Fire Protection, at local disaster offices sa paghahanap sa mga kabundukan.
Naligaw umano ang apat at hindi sila ma-contact dahil walang signal ng cellphone.
Madalas na inaakyat ang Mt. Sicapoo ng mga mountaineers dahil sa maganda nitong tanawin at trails na sakop ng lalawigan ng Ilocos Norte at Apayao.
Nasa mabuti ng kalagayan ang mga mountaineers nang ma-rescue ng mga otoridad.(Rey Velasco)