Advertisers

Advertisers

DOH, minomonitor at pinaghahandaan ang hantavirus outbreak

0 10

Advertisers

SINIGURO ng Department of Health (DOH) sa publiko na kanilang minomonitor at pinaghahandaan ang anumang posibilidad ng hantavirus outbreak.

Ayon kay Health Spokesperson USec. Albert Domingo, sinusuri na ng ahensiya ang kanilang mga laboratoryo at mayroon din aniyang Polymerase Chain Reaction (PCR) machines, na ginamit noong COVID-19 pandemic at kailangan lamang aniyang palitan ang primer nito.

Ani Domingo, ang tatlong institusyon sa bansa ay mayroong electron microscope, na makatutulong para matukoy ang virus habang inaantay ang PCR primer.



Bukod dito, nakikipag-ugnayan na rin ang DOH sa Bureau of Quarantine. Ayon sa DOH official, iniulat ni BOQ Director Roberto Salvador Jr. na direktang nakikipag-ugnayan ang bureau sa counterparts nila sa ibang bansa sa pamamagitan ng International Health Regulations.

Sinabi naman ni USec. Domingo na ilalatag nila ang striktong protocols sakali mang dumaong sa Canary Islands sa Spain ang MV Hondius sakay ang mga pasaherong dinapuan ng virus. Lulan din ng barko ang 38 Pinoy na tripulante subalit nauna nang iniulat ng DOH walang sakit ang mga ito at nasa ligtas na kalagayan.



Ayon kay Domingo, isasailalim sa makatao at may diginidad na pagsusuri sa virus ang 38 Pinoy seafarers at sa oras na masertipika ng mga awtoridad na nasa maayos silang kalagayan, ito lamang ang pagkakataon na susunod sila sa striktong protocol, na nakatakdang ilabas ng World Health Organization para ligtas silang maiuwi sa bansa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">