Advertisers

Advertisers

Ruffa Gutierrez nagpasalamat sa ex-mister na kinikilala ang kanyang sakripisyo sa kanilang 2 anak

0 52

Advertisers

Ni Anne Venancio

Nagpalitan ng mensahe sina Ruffa Gutierrez at dating asawa niyang si Yilmaz Bektas tungkol sa kanilang mga anak na sina Lorin at Venice.

Sa isang Instagram Stories, nagpaabot ng pasasalamat si Yilmaz kay Ruffa matapos ang pagtatapos sa kolehiyo ng kanilang panganay na si Lorin.
“To the respected mother of my beautiful daughter… I sincerely thank you for everything and carry endless gratitude in my heart,” bahagi ng mensahe ni Yilmaz.

Kinilala rin niya ang sakripisyo ni Ruffa sa kabila ng kanilang pinagdaanan bilang mag-asawa.
Nagbahagi si Ruffa sa TikTok ng mga lumang larawan ng kanilang pamilya at ipinakita ang mensahe ng dating asawa para sa kanilang anak.

“Thank you, Yilmaz. You really have a unique way of making me cry,” ani Ruffa.

Nagpasalamat din si Ruffa sa pagkilala sa kanyang pagiging ina at sinabing ang kanilang mga anak ang pinakamahalagang biyaya sa kanilang buhay.

Ibinahagi rin niya na 26 taon na ang lumipas mula nang una silang magkakilala sa Cannes. Sa kabila ng kanilang paghihiwalay noong 2007 at sumunod na annulment, nananatili ang respeto niya sa kanilang nakaraan para sa kapakanan ng pamilya.

Noong 2022, muling nagkita si Yilmaz at ang kanilang mga anak matapos ang 15 taong pagkakahiwalay, na naging mahalagang hakbang sa kanilang muling pagbubuo bilang pamilya.