Advertisers
PATULOY na binabantayan at kinukumpirma ng gobyerno ang ulat na mayroong mga bagong istraktura na naipatayo sa Bajo de Masinloc o Scarborough Shoa.
Sinabi ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilberto Teodoro Jr, na kahit maliit lamang ang nasabing usapin ay kanila na itong minomonitor.
Ang Bajo de Masinloc ay matatagpuan sa 124 nautical miles west ng mainland Zambales at ito ay pasok sa 200-nautical mile exclusive economic zone ng Pilipinas.
Ito rin ay matatagpuan sa 472 natutical miles mula sa Hainan, China.