Advertisers
IPINAUUBAYA na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) ang pasya kung kakanselahin ang passport ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtugis ng mga awtoridad sa senador at dating hepe ng Philippine National Police na itinuturing na ngayong pugante.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, ang DOJ ang magpapasya kung hihilingin nila na ipakansela ang passport ni Dela Rosa.
Una nang sinabi ng NBI na mag-iisyu na rin sila ng subpoena sa mga indibidwal na huling nakausap ni Bato kabilang na ang kaiyang asawa.
Samantala, ipatatawag din ng Justice Department ang ilang miyembro ng media para sa kanilang imbestigasyon sa insidente ng pamamaril sa Senado noong May 13.
Pahayag ni DOJ Spokesperson Atty. Polo Martinez, ito ay para matukoy kung makakatulong sa fact finding investigation ang nakita ng mga mamamahayag na nasa Senado nang mangyari ang insidente.