Advertisers

Advertisers

Pisikal na pagdalo ng mga senator-judge sa VP Sara impeachment iginiit

0 7

Advertisers

DAPAT na pisikal na dumalo ang mga senador sa gaganaping impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte upang makabuo ng tamang hatol.

Ito ang ipinahayag ni House Committee on Higher and Technical Education Chair Jude Acidre noong Sabado, Mayo 30, bilang reaksyon sa mga usap-usapan na posibleng payagan ang ilang senador na lumahok sa paglilitis sa pamamagitan ng remote o online participation.

Ayon kay Acidre, mahalaga ang pisikal na presensya dahil dito lamang makikita ang mga detalye na hindi kayang ipakita ng iskrin, tulad ng kilos ng testigo at ang tensyon sa pagitan ng prosecution at defense.



Aniya, paano ka naman maghuhusga kung hindi mo makikita kung paano gumalaw ‘yung witness? Paano ‘yung dynamics ng pagtanong ng prosecution or defense sa witness?” tugon ni Acidre.

Paliwanag ng mambabatas, bagamat tinatanggap na ang virtual attendance sa mga karaniwang pagdinig ng Kongreso mula noong pandemya, magkaiba ang sitwasyon sa isang impeachment dahil hindi bilang mambabatas kundi bilang mga hukom o senator-judges ang papel ng mga senador.



Nang tanungin naman hinggil sa mga senador na may kinakaharap na hiwalay na kasong ligal, sinabi ni Acidre na obligasyon pa rin nilang gampanan ang kanilang tungkulin hangga’t walang pinal na hatol o final conviction ang korte laban sa kanila.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">