Advertisers

Advertisers

PCG: Barkong mula US, palalakasin ang seguridad sa WPS

0 4

Advertisers

MALAKING tulong sa pagpapatibay ng seguridad sa West Philippine Sea (WPS) ang decommissioned vessel na ipagkakaloob ng Estados Unidos.

Sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na kabilang ang barko sa Reliance-class vessels ng US na may mas malaking saklaw at mas mahabang kakayahang maglayag.

Ayon naman sa Philippine Coast Guard (PCG), magagamit ito sa pagpapatrolya, pagmamanman at pagdodokumento ng mga insidente sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas, gayundin sa pagprotekta sa mga mangingisdang Pilipino.



Makakatulong din ang barko sa humanitarian missions, search and rescue operations, medical evacuation at paghahatid ng ayuda sa mga lugar na apektado ng kalamidad.

Samantala, wala pang inilalabas na detalye kung ilang barko ang kabuuang ipapadala ng Estados Unidos sa Pilipinas.



Ipinauubaya naman ng Malacañang sa DND at DFA ang pagtalakay sa usapin ng suporta ng mga kaalyadong bansa sa pagpapanatili ng seguridad sa rehiyon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">