Advertisers

Advertisers

WHY WIN?

0 3

Advertisers

SINO ba ang magulo sa SENADO?

Ang tagal nang naupo sa kapangyarihan ng dating humawak nang liderato ng upper chamber.

Nagkaroon ng malawakang kurapsyong pagnanakaw sa kaban ng bayan pero walang imbestigasyon in aid of legislation upang matukoy ang mga kawatan na pawang taga-pamahalaan.

Sigaw ng bayan ikulong ang mga magnanakaw pero hindi ito mangyayari dahil ayaw ng Senate blue ribbon committee na tukuyin ang mastermind gayong alam na kung sino sila at kailangan lang na magisa sa komite para malaman ng publiko kung sino talaga ang mga demonyo sa bayan.

Kaya nga nagkaroon ng pagbabago sa liderato para matuloy na ang kailangang halukayin ang katotohanan.

Hindi ito tinanggap ng mga nasiko sa poder kaya sa halip na galamano ay ginulo ang institusyom dahil ayaw nilang makalkal ang mga nabiyayaan ng maleta na ayon sa whistlebloweray mula sa mababa at mataas na kapulungan at sa ehekutibo.

Ayaw tanggapin ng mga mango- onse este dating onse ang liderato mula trese para tahakin ang direksyon ng katotohanan.

Kumbaga sa basketbol, nagkaroon na ng gulangan sa dirty number game. Dahil may nag- hudas kamakalawa ay pilit na inaagaw nila ang liderato at nag-self declare sila ng kani- kanilang puwesto sa Komite.

Pilit nilang ninombrahan si Sen. Win Gatchalian bilang Acting SP( me ganun?).

Nagpagamit ba si WIN sa sinasabing BBM 11?

O talagang wish din nya ang pagiging pinuno ng Senado kaya sa anumang paraan ay matikman niya ang sarap ng pagiging sobrang makapangyarihan.

Ngayon , paksyon na ang namumuno sa Senado, grupo ng ayaw matunton ang totoo at tropa ng gigil na maimbestigahan ang mastermind ng iskandalo.

Labanan na ba ito ng good vs bad?

Maleta o Marcoleta?

Allan o Gatchalian?

Tuta o taumbayan?

Makoy Dayunyor o Tatay Digs. Sikuhan o balyahan?

Sino talaga ang magulo?

Ewan sa inyong mga Pilipino , ang Gugulo niyo?!

Ang WIN nyo ang manok ng mga konyo habang si APC ang SP ng masang Pilipino!

Lowcut: Special shoutout kay compadre and misis Fernando ( NovoEcijano)at Mirriam Salazar na Tarlacquena diyan sa Upper Bicutan, Taguig City.