Advertisers

Advertisers

Pangulong Marcos namahagi ng mga ambulansya, iba pang kagamitan sa Sarangani

0 7

Advertisers

Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Sarangani Provincial Hospital bilang bahagi ng patuloy na pagtugon ng pamahalaan sa epekto ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Southern Mindanao.

Sa kanyang pagbisita, kinumusta ni PBBM ang kalagayan ng mga pasyente at sinuri ang mga pasilidad ng ospital na naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Tiniyak din ng Pangulo ang patuloy na suporta ng national government sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.

Pinangunahan din ni Marcos ang turnover ng dalawang Patient Transport Vehicles (PTVs) para sa lalawigan ng Sarangani upang mapalakas ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan at mapabilis ang pagtugon sa mga emerhensiya.

Nagkaloob naman ang Office of the President ng tig-isang Starlink unit para sa Sarangani Provincial Hospital at sa Pamahalaang Panlalawigan ng Sarangani.

Sinasabing layunin nitong matiyak ang tuloy-tuloy na komunikasyon lalo na sa panahon ng mga sakuna at emergency.

Ayon sa Malacañang, makatutulong ang mga bagong kagamitan sa pagpapalakas ng relief, recovery, at rehabilitation efforts sa lalawigan matapos ang lindol.

Samantala, patuloy naman ang koordinasyon ng pambansang pamahalaan at mga lokal na awtoridad upang matugunan ang pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad at mapabilis ang pagbabalik sa normal ng mga apektadong komunidad. (Gilbert Perdez)