Advertisers
NAGLABAS ng warrant of arrest ang Sandiganbayan Fourth Division laban kay Sen. Rodante Marcoleta at dating Rep. Mike Defensor kaugnay ng paglabag sa Presidential Decree No. 46 o ang pagtanggap ng regalo ng isang public official.
Si Marcoleta ay kasalukuyang nasa kustodiya ng PNP-CIDG, habang si Defensor ay nakakulong na sa Quezon City Jail kasunod ng warrant of arrest sa kasong plunder.
Kaugnay nito, iniutos ng korte sa sheriff nito na isilbi ang warrant of arrest sa lugar kung saan sila nakakulong o naka-detain.
Nasa P30,000 ang halaga ng bail sa bawat akusado.
Kasabay nito, naglabas din ang korte ng Hold Departure Order laban sa dalawa.
Ang mga kasong ito ay nag-ugat sa umano’y hindi pagdedeklara ni Marcoleta ng P75-milyong donasyon para sa kanyang kampanya.