Advertisers

Advertisers

Sara discaya laya sa piyansa

0 2

Advertisers

PINAYAGAN ng Regional Trial Court sa Lapu-Lapu City, Cebu na magpiyansa ng P1 milyon ang kontrobersyal na kontraktor na si Sarah Discaya sa kasong malversation at paglabag sa anti-graft law kaugnay ng umano’y ghost project sa Davao Occidental.
Pinayagan ding magpiyansa ng P300,000 si Czar Ryan Ubungen, finance officer ng DPWH-Davao Occidental.
Ayon sa korte, kulang pa ang ebidensiya ng prosekusyon upang patunayang direktang sangkot si Discaya sa pamemeke ng mga dokumento o pakikipagsabwatan sa iba pang akusado. Sinabi rin ng isang testigo ng prosekusyon na wala siyang personal na kaalaman sa partisipasyon ni Discaya sa proyekto.
Samantala, tinanggihan ng korte ang kahilingan sa piyansa ng walong iba pang akusado, kabilang ang ilang opisyal ng DPWH at isang opisyal ng St. Timothy Construction, dahil malakas ang ebidensiya laban sa kanila.
Nilinaw ng korte na ang pagpapahintulot sa piyansa ay hindi nangangahulugang inosente ang akusado, at ang pagtanggi naman sa piyansa ay hindi rin nangangahulugang awtomatiko silang mapapatunayang nagkasala.
Patuloy na haharap si Discaya sa isa pang non-bailable na kaso sa Bulacan kasama ang kanyang mister na si Pacifico “Curlee” Discaya, kaugnay ng P53.9 milyong ghost project sa Calumpit.