Advertisers

Advertisers

Senado, tinabla ang hiling ng OVP na sagutin ang pagkain at inumin ng defense team

0 5

Advertisers

HINDI pinagbigyan ni Senate President Sherwin Gatchalian ang hiling ni Vice President Sara Duterte na sagutin ng Senado ang pagkain at inumin ng defense team sa impeachment trial.

Sinabi ni Gatchalian, hindi kayang gastusan ng budget ng Senado ang hiling na pagkain at inumin para sa buong legal team ng depensa.

Ito ay dahil may ibang gastusin ang mataas na kapulungan tulad ng balak na pagrenta ng espasyo sa Philippine International Convention Center (PICC) para doon magdaos ng mga budget hearings.



Ayon kay Gatchalian, kailangang iprayoridad ang budget hearings at mga committee hearings ng Senado na inaasahan sa pagbabalik-sesyon.

Sa ngayon ay tatlo lang ang available na committee rooms sa Senado dahil halos lahat ay okupado na ng prosecution at defense team kaya kung sunod-sunod ang budget at committee hearings ay kakailanganin talaga nilang magrenta ng opisina sa labas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">