Advertisers

Advertisers

Shuvee nilinaw na di pa dyowa si Anthony

0 5

Advertisers

By ARCHIE LIAO

Sa panayam sa vlog ng entertainment journalist na si Dolly Ann Carvajal,sinabi ni Shuvee Etrata na isang struggle sa kanya ang manirahan sa Manila.

Aniya, nahirapan daw talaga siyang tumira sa prime city lalo pa’t isa siyang Bisayang promdi at walang kamag-anak sa lungsod.

Ipinaliwanag din niya ang teksto ng kanyang post sa IG kung saan tinuran niya ang ibig niyang tumbukin tungkol kay Anthony Constantino.

Noong kaarawan kasi ng aktor, may pa-tribute siya sa IG na “Some people just make life feel a little softer.You’re one of them.”

Sey niya, dahil sa gulong nangyayari sa mundo, malaking bagay daw ang magkaroon ng kaibigang mahihingahan at matatakbuhan.

Ito raw ang turing niya sa kanyang Fil-Am suitor.

Ibinahagi rin niya ang solid na samahan nila nang mag-shoot sila ni Anthony sa Disneyland para sa isang toothpaste commercial.

Constantly dating pa rin ang status ng kanilang relasyon at ayaw daw niyang madaliin ang pagkakaroon ng dyowa.

Naniniwala raw kasi siyang patience is a virtue.

Hanggang ngayon, hindi pa rin daw siya makapaniwala na natutupad na ang mga pangarap niya bilang artista.

Katunayan, hindi raw niya akalaing makakarating siya sa Estados Unidos para sa shows abroad.

Paniwala raw kasi niya noon na ang way para makarating siya sa Tate ay ang makapangasawa ng afam.

Gusto raw niyang i-remind ang sarili na laging maging grounded.

Para rin sa kanya, hindi rin siya mahihirapang bumalik sa kanyang pinagmulan dahil laki siya sa hirap.

Hirit pa niya, ang laki raw ng ipinagbago ng buhay niya after her PBB journey sa Bahay ni Kuya.