Advertisers
Ni Anne Venancio
Todo ang paghahanda ni Dennis Trillo para sa kanyang bagong GMA series na “Hari ng Tondo,” na magtatampok ng mas intense na drama at action sequences.
Sa ulat ng 24 Oras noong Agosto 22, ibinahagi ng Kapuso Drama King ang kanyang excitement sa mga eksenang ginagawa nila para sa serye.
Ayon kay Dennis, kapansin-pansin ang effort ng buong production, lalo na ang pagtutok ni Direk Enzo sa bawat karakter at eksena.
Mas naging hamon para sa aktor ang mga action sequence dahil aktuwal nilang ginagawa ang ilang eksena at wala siyang stunt double para sa mga ito.
Aniya, maingat nilang pinaghandaan ang bawat action scene upang maging mas makatotohanan ang palabas at maipakita sa viewers ang effort ng buong cast.
Makakasama ni Dennis sa serye sina Ruru Madrid, Rocco Nacino, Ryza Cenon, Ysabel Ortega, Elle Villanueva, Arra San Agustin at Heath Jornales.
Bukod sa drama, aasahan din ang mga eksenang puno ng aksyon at matinding bakbakan sa “Hari ng Tondo.”