Advertisers

Advertisers

Ruru Madrid may hinihintay bago pakasalan si Bianca Umali

0 3

Advertisers

Ni Anne Venancio

Hindi na tinatago ni Ruru Madrid na handa na siyang pakasalan ang longtime girlfriend na si Bianca Umali. Pero kahit ready na sila, hindi raw minamadali ng aktor ang kasal dahil naghihintay pa sila ng tamang panahon.

Ayon kay Ruru, napag-uusapan na nila ni Bianca ang pagpapakasal at maging ang kanilang mga pamilya ay aware na rin sa plano. Kailangan na lang daw nila ng mas seryosong pag-uusap bago tuluyang gumawa ng malaking hakbang.

Hindi rin umano siya nakaramdam ng pressure matapos ikasal ang kanyang kapatid na si Rere Madrid sa basketball player na si Kai Sotto. Para kay Ruru, bawat relasyon ay may sariling timeline, kaya hindi kailangang makipagsabayan.

Masaya rin ang aktor na magiging tiyuhin na siya dahil buntis si Rere at inaasahang lalaki ang kanilang baby.

Tungkol naman sa paniniwalang “sukob,” sinabi ni Ruru na hindi sila naniniwala rito ni Bianca. Anuman ang taon, ang mahalaga raw ay pareho silang handa.

Samantala, tampok si Ruru sa Cinemalaya entry na Hand of God, na umaasang makapaghatid ng mensahe ng kapayapaan sa mga manonood.