Advertisers

Advertisers

‘Treasure Life. Life Is Too Short’- Kaye Abad

0 3

Advertisers

Ni ROMMEL PLACENTE

Binalikan ni Kaye Abad ang mga aral na naiwan sa kanya ng kanyang cancer journey, at kung paano nito tuluyang binago ang kanyang pananaw sa buhay.
Sabi ni Kaye sa panayam sa kanya ni Karmina Constantino para sa KC After Hours,“Treasure life. Life is short. Totoo pala talaga ‘yun.

“Like, I was just a normal girl na nasa Cebu, have kids, very happy, very content biglang isang ganyan nagpa-check because of my gallbladder…and then ‘yun na ‘yun diagnosed, dere-derecho na, you have cancer, sabi ko ganun kabilis.”

Dahil dito, mas naging conscious si Kaye sa paglalaan ng oras para sa kanyang mga anak at pamilya.

“Treasure your time with your kids, with your family,” pagbibigay-diin niya.

At hindi lang basta oras ang ibinibigay niya sa kanyang mga anak, sinisikap din niyang maging present sa mahahalagang bahagi ng kanilang paglaki, kahit minsan ay kailangan niyang tiisin ang mga bagay na hindi niya talaga hilig.

“‘Yung ‘pag may gusto sila kahit hindi ako mahilig mag-outdoor, kahit mainit, ‘pag may soccer, sige sama si mommy. I will watch kasi [nagtatanong sila], ‘Mommy, why don’t you watch? My other classmates there mommies are there.’ Sabi ko, ‘Sige mommy will watch.’ Kahit bawal akong mainitan, I will watch,” kwento niya.

Isa rin sa mga dahilan kung bakit hindi muna nagmamadali si Kaye na tumanggap ng panibagong teleserye ay ang kagustuhan niyang makasama pa nang mas matagal ang kanyang bunsong anak habang lumalaki ito.

“Kaya rin siguro ‘pag may offers na serye, hindi na muna siguro kasi bata pa ‘yung youngest so I still want to be with him while growing. Siguro ‘pag matanda na siya then if nandyan pa ‘yung industry for me, then why not, I will still go back,” aniya pa